Nakahanda na ang 109,559 na food and non-food items sa mga warehouse at prepositioning areas ng Department of Social Welfare and Development Region 1 para sa posibleng pagtama ng paparating na sama ng panahon sa Hilagang Luzon.
Ininspeksyon na rin ng tanggapan at mga community volunteers ang kalidad ng mga produktong nakapaloob sa bawat family food packs.
Bahagi ito ng pagtitiyak ng tanggapan na nasa maayos na kondisyon ang bawat kahon ng relief goods na ipapamahagi sa mga kabahayan.
Kasabay nito, pinalalakas naman ng ibang ahensya ang kahandaan sa anumang sakuna ng mga residente partikular sa mga nakatira sa hazard-prone areas.
Batay sa mga abisong inilalabas ng DOST-PAGASA, posibleng umabot sa supertyphoon category ang binabantayang sama ng panahon na papangalanang “Uwan”.
Patuloy ang paalala ng awtoridad sa publiko ukol sa maagap na pagtalima sa mga abisong pangkaligtasan.









