ABOT 150 MAGSASAKA SA MANGALDAN, SINANAY SA MODERNONG PAGTATANIM

Mahigit 150 magsasaka ang dumalo sa Farmers Field Day ng Ilocos Research for Development Initiative and Support Enhancement for Rice (IRISE4Rice) sa Barangay Alitaya, Mangaldan noong Biyernes, Pebrero 27, 2026.

Ayon sa pahayag, tatlong taon nang isinagawa ang proyekto sa lugar upang makasabay sa makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng palay ang mga magsasaka.

Ipinakita ang paggamit ng mechanical transplanter, drum seeder at iba pang makina.

Opinyon ng mga magsasaka, makakatulong mapagaan ang trabaho at nakakatipid sa gastusin kumpara sa tradisyonal na pagtatanim.

Kaugnay nito, ang Barangay Alitaya ay isa sa apat na piling benepisyaryo ng IRISE4Rice sa buong Region 1 na isinusulong ang mekanisadong pagtatanim sa mga lokal na magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments