ABOT 200 BOLUNTARYO, NAKIBAHAGI SA PAGLILINIS NG ANGALACAN RIVER SA POZORRUBIO

Abot 200 environmental stewards ang nakibahagi sa isinagawang paglilinis ng Angalacan River sa Barangay Bobonan, Pozorrubio noong Marso 19, 2026.

Ayon sa ulat ng MENRO Pozorrubio, isinagawa ang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng World Water Day 2026 at ng International Day of Action for Rivers.

Nagsanib-puwersa ang DENR Ilocos Region, CENRO Eastern Pangasinan, BJMP Urdaneta at mga guro at estudyante ng Bobonan National High School maging ang ilang kababaihan bilang bahagi ng paggunita sa National Women’s Month 2026.

Kaugnay nito, ang Angalacan River ay idineklarang protected river noong 2023 ng DENR-Environmental Management Bureau at ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio, dahilan kaya kabilang ito sa mga regular na mino-monitor upang mapanatili ang kalidad ng tubig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments