Maaga nang lumikas kahapon ang abot 200 pamilya sa La Union dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Nando.
Pansamantalang naninirahan sa mga itinalagang evacuation centers ang mga residente na mula sa mga high-risk barangays sa mga bayan ng Bauang, San Fernando City at Luna.
Bilang paghahanda sa bagyo, activated na ang full disaster response mula sa mga personnel hanggang sa mga naka standby na emergency assets.
Tiniyak din ang maagap na abiso sa mga apektadong kakalsadahan dahil sa landslide tulad ng Nagyubuyuban-Parparya Crossing sa bayan ng Bagulin at San Jose- San Fermin Road sa Caba, La Union.
Agad din ipinagbawal ang anumang aktibidad sa mga baybayin at kabundukan sa San Juan at San Gabriel para sa kaligtasan ng mga turista.
Samantala, patuloy na nakataas ang red alert status sa mga awtoridad upang bantayan ang kapakanan at seguridad ng mga residente mula sa pinsalang maidudulot ng Super typhoon Nando. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









