Manila, Philippines – Binaba ng Pag-IBIG fund sa tatlong porsyentong
interest rate kada taon ang affordable housing program.
Ayon kay Housing And Urban Development Council (HUDCC) Chairperson, Sec.
Eduardo Del Rosario – bahagi ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte
na makapagbigay ng pabahay sa bawat pamilyang Pilipino anuman ang kanyang
estado ng buhay.
Ang mababang rate ay ipatutupad sa unang limang taon ng loan na aabot sa
450,000 pesos.
Dahil dito, ang monthly amortization para sa mga loan na nagkakahalaga ng
450,000 pesos ay magbabayad na lamang P1,897.22
Aniya ang mga low-income at minimum wage earners ay maari nang magkaroon ng
sariling bahay.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>