Tiwala si House Speaker Lord Allan Velasco na mabibigyan ng mas maayos na access at abot-kayang health care services ang nga cancer patients sa bansa.
Ito ay matapos isama sa P4.5 trillion 2021 national budget ang alokasyon para sa cancer control program ng pamahalaan.
Aabot sa P620 million ang inilaan ng Kongreso para sa implementasyon ng RA 11215 o National Integrated Cancer Control (NICC) Act of 2019 sa susunod na taon.
Saklaw ng alokasyon ang cancer prevention, treatment, at mga gamot para sa mga mahihirap na pasyenteng may sakit na cancer.
Layunin ng NICC program na mabawasan ang mga namamatay sa sakit at ang impact sa buhay ng lahat ng adult at childhood cancer, mapababa ang incidence ng preventable cancer, maiwasan ang cancer recurrence o pabalik-balik na cancer at secondary cancer sa mga cancer survivors.