Abot kayang saliva test, napatunayang 99% ang detection rate ng University of Illinois; Paggamit nito sa Pilipinas, pinamamadali na ng Phil. Red Cross

Pinamamadali na ng Philippine Red Cross sa Department of Health-Technology Panel ang pag-apruba sa paggamit ng saliva tests na mas abot-kaya kaysa sa RT-PCR test.

Sa interview ng RMN Manila kay Red Cross National President at Chairman Sen. Richard Gordon, sinabi nito na napatunayan ng University of Illinois sa Amerika na 99% accurate ang detection rate ng saliva tests sa one million subjects na sinuri para sa COVID-19 noong 2019.

Ayon kay Gordon, ang lahat ng protocols ng University of Illinois ay sinunod ng kanilang biomolecular laboratories para sa trial results ng saliva test kung saan Oktubre pa nila ito ipinasa pero hanggang ngayon ay wala pa rin desisyon ang Health Technology Panel ng DOH.


Giit ni Gordon, mas hamak na mas mura ang saliva tests kaysa sa RT-PCR test lalo na’t lumalaki na naman ang utang ng PhilHealth sa mga isinasagawang COVID-19 testing.

Facebook Comments