Abot sa ₱108-M halaga ng illegal na droga, sinira ng PDEA sa Bacnotan, La Union

Mahigit ₱108-M na halaga ng ilegal na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bacnotan, La Union.

Ang joint destruction ceremony ay bahagi ng mga nakumpiskang drug evidence sa mga ikinasang anti-drug operations at alinsunod na rin sa kautusan ng mga korte.

Sinira sa pamamagitan ng thermal destruction ang mahigit ₱29-M na halaga ng drug evidence ng PDEA ROI habang mahigit ₱79-M na nasa pag-iingat ng PDEA RO-CAR.


Kabilang sa sinira ay mga shabu, marijuana, kush, ecstasy, liquid marijuana at liquid shabu.

Sinaksihan ito ng iba’t ibang grupo at opisyal kabilang na ang religious groups.

Facebook Comments