Abot sa 2.5-M miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang makakatanggap ng Unconditional Cash Transfer (UCT) grants.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, layon nito na maalalayan ang mga pamilyang nasa ilalim ng 4Ps na nasa lugar na matinding binaha o sinalanta nang sunod-sunod na bagyo.
Ayon kay Dumlao, inihahanda na ng ahensya ang payroll para sa UCT-Pantawid beneficiaries at matatanggap ito ng mga benepisaryo sa oras na i-release na sa Land Bank of the Philippines (LBP) ang pondo.
Ipapasok naman ang ayudang pinansyal sa LBP cash cards ng beneficiaries.
Kabilang sa mabebenipisyuhan ay mga 4Ps members sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, Region 5, 6,7, 8, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.