Ito ay bahagi ng nagpapatuloy na misyon ng RMN foundation at sa pakikipagtulungan ng Metrobank foundation na itaas ang kamalayan ng mga bata sa pangangalaga sa kalusugan.
Mga bata na galing sa lubhang mahihirap na pamilya ang napili na mabigyan ng hygiene kit.
Kabilang sa laman ng hygiene kit ay toothbrush, toothpaste, bath soap, face towel at suklay.
Nagbigay naman ng seminar ang DOH para turuan ang mga bata ng tamang paraan ng paglilinis ng katawan.
Ayon kay Michael Angelo Ramos ng DOH, malaki ang tulong ng hygiene kit sa paglilinis ng katawan laluna ss panahon na may otbreak ng tigdas.
Ayon kay Ms Carmela Cabatcan ng RMN foundation, sa limang public schools sa Laguna,Caviete at Naga na kanilang binisita, nakapagpamahagi na sila ng mahigit dalawang libong mga hygiene kit.