Abot sa 41,868 na mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit o MRT-3 sa unang araw ng implementasyon ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang mga APOR na nakapagpabakuna ng first o second dose ay kwalipikado upang makatanggap ng libreng sakay.
Kinakailangan lamang ipakita ng mga APOR ang vaccination card at ID, katulad ng company ID, na nagpapatunay siya ay kabilang sa APOR na maaaring lumabas sa pampublikong lugar na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Magtatagal ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga APOR hanggang sa Agosto 20.
Layon nito na hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.
Facebook Comments