Abot sa 47,000 na manggagawa sa housing sector, nakabalik na sa trabaho sa panahon ng GCQ

Nakabalik na sa trabaho ang aabot sa 47,000 na manggagawa sa housing sector matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik-operasyon ng real estate activities sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Batay sa datos ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), balik-operasyon na ang 204 developers na mayroong 725 project sites sa buong bansa.

Ayon kay DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, nangangahulugan ito na nadagdagan ang mga pamilya na bumalik ang kabuhayan at hindi na kailangang umasa sa ayuda ng gobyerno para makatawid sa hirap sa gitna ng pandemya.


Region 4A ang may pinakamataas na bilang ng nagbalik-operasyong housing projects na mayroong bilang na 301.

Sinusundan ito ng Region 3 (134) at National Capital Region (128).

Kabilang sa mga proyekto ay 288,709 subdivision at condominium units kung saan NCR ang nangunguna na mayroong 92,903 units.

Facebook Comments