Abot sa P2.25B nagamit na ng DA para sa recovery assistance sa mga magsasaka

As of January 2020, naipamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ang abot sa P2.249 billion bilang ayuda sa mga magsasaka sa ilalim ng Expanded Survival and Recovery Assistance o SURE Aid Program.

Ito ay 90 percent ng P2.5 billion na kabuuang pondo na inilaan ng Agricultural Credit Policy Council na pautang sa mga magsasaka na apektado ng bagsak presyo ng palay.

Nasa 149, 910 rice farmer mula sa 166, 665 targeted potential borrowers ang nakatanggap ng P15,000 na cash assistance sa pamamagitan ng Land Bank.


P45.06 million na cash assistance naman ang naibigay na sa may 3, 004 rice farmers sa Maguindanao province.

Ang natitirang P251 million ay asahang maipapalabas sakaling matapos nang maproseso ang mga aplikasyon mula sa pitong probinsiya gaya ng Cagayan, Isabela (Santiago City), Quirino, Nueva Viscaya, Sorsogon, Albay, at Eastern Samar.

Facebook Comments