Abot sa P30-M na hinihinalang smuggled na asukal mula Vietnam, nasabat ng BOC at DA

Kinumpiska ng Department of Agriculture (DA) Inspectorate and Enforcement at ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang nasa ₱30 million na halaga ng hinihinalang smuggled refined sugar sa Subic port na galing Vietnam.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) administrator Pablo Luis Azcona, inilagay sa alert order ang dumating na 10 thousand na sako ng hinihinalang smuggled refined sugar matapos magduda ang mga awtoridad na misdeclared ang produkto.

Nang inspeksyunin kasi ito ay idineklara itong powdery white sweetener, pero ang nakalagay sa sako ay 88% sugar at 4% glucose.


Tukoy na rin umano ang consignee at isasailalim muna sa masusing pagsusuri ang mga nasabat na asukal.

Kung sakali umano na mapatunayang smuggled ang mga asukal ay isasailalim ito sa auction.

Ani Azcona, kung smuggled ito ay malaki ang epekto nito sa industriya ng asukal.

Facebook Comments