Abot sa P57,000 na halaga ng relief assistance, naipamahagi na ng DSWD sa mga apektadong ng 6.9 na lindol

Umabot na sa 57,000 ang halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhang pamilya ng 6.9 magnitude na lindol sa Padada, Matanao at Digos City sa Davao del Sur.

Kabilang sa mga naipamahagi sa mga apektadong pamilya ay mga family food packs, laminated sacks at mga family tents.

May mahigit isang milyong pisong halaga ng stockpile na food and non-food items ang naka-standby.


Nagpapatuloy ang assessment at validation ng quick response team sa pakikipagtulungan ng mga LGUs para ma determina ang additional assistance at intervention sa mga biktima ng lindol.

May mga satellite operation center ang DSWD sa Provincial Capitol Compound na siyang mangangasiwa sa relief operation sa mga internally displaced persons.

Facebook Comments