Humiling si Abra, La Paz Mayor Joseph Bernos sa administrasyong Marcos ng karagdagang ambulances at firetrucks upang mapalakas ang kanilang disaster response.
Ito ay kasunod na rin ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra kahapon.
Ayon kay Bernos, kulang sila sa disaster response equipment at matagal na nila itong hinihiling sa mga nakalipas na administrasyon.
Hirit pa ni Bernos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ang kanilang mga disaster response equipment ay nagmula pa sa dating administrasyong Marcos tatlumpong taon na ang nakalipas.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 20,000 na indibidwal ang naapektuhan sa naturang lindol.
Nangako rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakatanggap ng P10,000 na ayuda ang bawat pamilya sa nasabing lalawigan.