Abra Vice Governor, pinatawan ng 18 buwang suspensyon ng Malacañang

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na pinatawan ng 18 buwang suspensyon ng Malacañang si Abra Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos.

Ito ay dahil sa ginawang direktiba ni Bernos na i-lock down ang isang ospital noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Si Bernos ang nagsilbing gobernador ng Abra noong mga panahong iyon.


Ang suspensyon ay abuse of authority sa ilalim ng Local Government Code.

Habang grounds din ng hakbang ang pagiging conduct unbecoming of a public official base naman sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Facebook Comments