ABRIL 30 IDINEKLARANG NON-WORKING HOLIDAY SA DAGUPAN CITY

48

Idineklarang non-working holiday ang araw ng Abril 30,2021 para sa selebrasyon ng Bangus Festival ngayong taon sa bisa ng Proclamation No. 1133 na may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa ilalim ng mandato ni Presidente Rodrigo Duterte.

Naglalayon itong mabigyan ng pagkakataon na mag-selebra ang mga Dagupeno sa taunang selebrasyon ng Bangus Festival.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay walang naging selebrasyon nito dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.


Samantala, wala pang nakalatag na mga aktibidad at programa ngayong taon para sa selebrasyon ng nasabing kapistahan.

Facebook Comments