ABS-CBN Chairman Emeritus at Director Eugenio “Gabby” Lopez III, nag-resign

243

Nag-resign na si Eugenio “Gabby” Lopez III bilang Chairman Emeritus at Directo ng ABS-CBN dahil sa mga personal na kadahilanan.

Ginawa ni Lopez ang pagbibitiw sa isinagawang Board of Directors meeting ngayong umaga.

Binitawan na rin niya ang iba pang mga posisyon kabilang ang pagiging director ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation at Rockwell Land Corporation.

Nauna nang binawi ng National Telecommunications Commission ang lahat ng frequencies ng TV, radio at channels ng naturang TV network dahil sa kabiguang makakuha ng congressional franchise.

Facebook Comments