Hinamon ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta si ABS-CBN Chairman emeritus Gabby Lopez III na bigkasin ang unang linya ng “Panatang Makabayan.”
Sa joint hearing sa Kamara, muling tinalakay ang isyu sa citizenship ni Lopez at ang kanyang katapatan.
Dito na hiniling ni Marcoleta kay Lopez na bigkasin ang “Panatang Makabayan.”
Nagawa ni Lopez na mabigkas ang ikalawang pangungusap sa unang linya.
Pero sinabi ni Marcoleta na tinuturuan si Lopez ng kanyang abogado na i-recite ang Panatang Makabayan.
Bago ito, binibigyang diin na ni Marcoleta na ang pagiging American citizen ni Lopez habang pinamumunuan ang ABS-CBN noong 1986 ay paglabag sa consitutional provision na ang mass media companies ay dapat 100% pagmamay-ari ng isang Pilipino.
Pero depensa ng abogado ni Lopez na si Atty. Mario Bautista, hindi ipinagbabawal sa Konstitusyon ang pagiging dual citizen tulad ni Lopez na hawakan ang isang mass media company.
Iginiit ni Lopez na isa siyang Pilipino, sa isip at sa gawa, at ‘aksidente’ lang ang pagkakaroon niya ng American Citizenship nang ipanganak siya sa Estados Unidos noong 1952.
Ang mga magulang niya ay kapwa Pilipino.
Dagdag pa niya, isang ‘technical issue’ ang kanyang dual citizenship.
Ang Securities and Exchange Commission at Department of Justice ay mayroong hurisdiksyon sa pag-interpret ng nationalization ng mass media.