ABS-CBN, dapat bigyan ng separation benefits ang mga empleyado nito ayon sa DOLE

Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat bayaran ng ABS-CBN ang mga empleyado nito sakaling hindi maiwasan ang termination, reduction, o displacement ng workforce kasunod ng hindi pag-renew ng kanilang prangkisa.

Ayon kay Labor Undersecretary Ana Dione, bahagi pa rin ng mandato ng network na bigyan ng separation benefits ang mga mawawalan ng trabaho.

Mahalagang mabigyan ng kompensasyon ang mga apektadong manggagawa para sila ay makapagsimula muli.


Ipinapaabot naman ni Dione ang simpatya nito sa libo-libong manggagawa ng network na naapektuhan ng desisyon ng Kamara.

Handa ang DOLE na magpaabot ng anumang tulong sa lahat ng empleyadong mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments