ABS-CBN, dumulog sa Korte Suprema

Dumulog na sa Korte Suprema ang ABS-CBN Corporation para pigilan ang cease and desist order ng National Telecommunications Commisison (NTC) na nagpapatigil sa operasyon ng network.

Nagsumite ang ABS-CBN Corporation ng petition for certiorari and prohibition laban sa NTC.

Inihirit ng network sa Supreme Court na magpalabas itong Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng cease and desist order ng NTC


Layon nito na hilingin sa Supreme Court na ipawalang bisa ang kautusan ng NTC.

Iginiit ng ABS-CBN na ang cease and desist order ng NTC ay paglabag sa karapatan ng publiko para sa tamang impormasyon at pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag.

Facebook Comments