ABS-CBN Films, ipinakilala si Jane De Leon bilang bagong Darna

769
Image via Star Cinema

Ipinakilala na ng ABS-CBN film Star Cinema ang lilipad na bagong Darna, walang iba kundi si Jane De Leon.

Ibinahagi ni Direk Olivia Lamasan na ang bagong Darna ng network na si Jane De Leon na unang nakilala sa primetime seryeng ‘Halik’ kung saan bida sina Jericho Rosales, Sam Milby, Yam Concepcion at Yen Santos.


Gumanap si Jane na Maggie sa ‘Halik’ na kapatid ni Lino sa serye. Isa rin si Jane sa ‘Girltrends’ o girl group sa istasyon.

Ayon sa ABS-CBN, unanimous ang naging desisyon kasama ng management sa pagpili kay Jane. Sa 300 na nag-audition kasama na ang mga artista sa Star Magic at Star Hunt.

Ang pelikula na pangungunahan ni Direk Jerrold Tarog, ay ang pinay superhero na ginampanan ng mga malalaking bituin simula noong 1951.

Ang karakter ay mula sa Komiks ni Mars Ravelo at Nestor Redondo noong 1950. Mayroong 13 na aktres ang gumanap bilang Darna o Narda.

Winithdraw naman ni Liza Soberano ang role na Darna dahil sa finger injury nito. Isinagawa ang tatlong operasyon sa kaniyang index finger matapos madurog dahil sa isang aksidente sa shooting ng Bagani nitong nakaraang taon.

Marami ring inakala na kay Nadine Lustre mapupunta ang proyektong ito. May 13 na aktres ang gumanap na Darna na naitala sa kasaysayan: Rosa del Rosario (1951/1952), Liza Moreno (1963), Eva Montes (1965), Gina Pareño (1969), Lorna Tolentino (1977), Rio Locsin (1979), Vilma Santos (1973/1980), Nanette Medved (1991), Anjanette Abayari (1994), Angel Locsin (2005) at Marian Rivera (2009-2010).

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang desisyon ng management ng network na si Jane ang gumanap ng iconic role.

Facebook Comments

From Advertisers