Sa pagtatapos ng 17th Congress, nanganganib pa rin mawala sa himpapawid ang ABS-CBN matapos hindi upuan ng Kongreso ang House Bill 4349 o franchise renewal ng giant network para sa susunod na 20 taon.
Dahil sa pangyayari, kailangan magpasa ng panibagong panukala upang matalakay ito sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.
Hanggang March 20, 2020 o siyam na buwan mula ngayon, expired na ang license to broadcast ng ABS-CBN.
Sa lumabas na ulat, isinumite ang panukalang nagpapalawig sa prangkisa ng broadcasting company noong Nobyembre 2016 ngunit nabinbin sa Committee on Legislative Franchise hanggang tuluyan isarado ang 17th Congress nitong Hunyo 11. Para umusad ito, kailangan aregluhin ng TV network ang reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan sinabi ni Duterte na hindi ito sang-ayon sa franchise renewal dahil umano’y sa utang ng istasyon sa gobyerno.