ABS-CBN, hindi karapat-dapat na mabigyan ng prangkisa ayon kay SolGen Calida

Naniniwala si Solicitor General Jose Calida na ang pagbasura ng Kamara sa franchise application ng ABS-CBN ay patunay lamang na hindi karapat-dapat na mabigyan ang network ng prangkisa dahil sa mga paglabag nito.

Paalala ni Calida sa network na ang legislative franchise ay isa lamang pribilehiyo.

Dapat aniya igalang ang naging desisyon ng Kongreso at hindi dapat ituring ito na pagpigil sa kalayaan sa pamamahayag.


Sinabi ni Calida na ginampaman lamang ng Kongreso ang tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon at nanaig ang rule of law.

Nakasaad sa Saligang Batas na ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na i-review at aprubahan ang prangkisa ng public utilities.

Facebook Comments