ABS-CBN, maaari pang magpatuloy sa operasyon hanggat hindi naisisilbi ang closure order ng NTC

Sinuportahan ni Justice Secretary Menardo Guevara ang pahayag ng National Telecommunications Commission (NTC) na immediately executory ang cease and desist order nito laban sa ABS-CBN Corporation.

Gayunman, nilinaw ni ni Secretary Guevarra na habang hindi pa naisi-serve ang cease and desist order at hindi pa opisyal na natatanggap ni ABS-CBN President Karlo Katigbak o kung sino mang kinatawan ng kumpanya ang utos ay hindi pa ito executory.

Pero kapag natanggap na anya ng kumpanya ang utos, maaring idulog ng ABS-CBN sa Korte ang utos ng NTC at humiling ng temporary restraining order.


Ayon kay Guevarra, habang isinasagawa ang legal remedies, kailangan tumalima ang ABS CBN corporation sa utos ng NTC.

Facebook Comments