Naghain ang ABS-CBN Corporation sa Supreme Court ng “Urgent Reiterative Motion” para sa Temporary Restraining Order (TRO).
Inihirit ng ABS-CBN sa SC na aksyunan nito agad ang apela ng kumpanya na maipahinto ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon sa network, nasa ₱30-million hanggang ₱35-million ang nawalang kita sa kanila mula sa advertising simula nang ilabas ng NTC kautusan.
Kapag nagpatuloy aniya ang pagkalugi ng network, tuluyan nang mawawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyado.
Facebook Comments