ABS-CBN, na-misinterpret ang pahayag ng DOLE

Pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sumusunod sa labor laws and standards ang ABS-CBN Corporation.

Sa statement, mariin nilang itinatanggi ang pahayag ng ilang abogado at opisyal ng ABS-CBN na tila nami-misinterpret ang kanilang posisyon para linlangin ang mga kongresista para makakuha ng congressional approval sa bagong prangkisa.

Pinasingunalingan din ng DOLE ang pahayag na inaprubahan nila ang seasonal work status sa mga empleyado nito.


Aniya, nakitaan ng paglabag ang ABS-CBN sa mga patakaran at panuntunan ng DOLE pero nagawa naman nilang itama ang mga ito.

Kaya hindi tamang sabihin na isang compliant company ang network.

Sa ngayon, mayroong 67 nakabinbing reklamo laban sa kumpanya.

Nagbabala ang DOLE na hindi nila palalagpasin ito.

Facebook Comments