Nanindigan ang isang opisyal ng ABS-CBN na nagbayad sila ng bilyon-bilyong pisong halaga ng buwis sa loob ng 17 taon.
Sa House joint panel hearing sa prangkisa ng network, sinabi ni ABS-CBN Group Chief Financial Officer Ricardo Tan, mula 2003 hanggang 2019 ay nagbayad sila ng ₱71.5 billion na halaga ng buwis.
Kinumpirma naman ni Bureau of Internal Revenue (BIR) OIC Assistant Commissioner Manuel Mapoy na regular na nagbabayad ang ABS-CBN ng kanilang corporate taxes, kung saan aabot sa higit 15 bilyong pisong halaga ng buwis ang kanilang binayaran sa pagitan ng 2016 at 2019.
Nagbabala naman si Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarate sa posibleng impact ng shutdown ng ABS-CBN sa ekonomiya ng bansa.
Una nang nilinaw ng BIR na walang outstanding tax liabilities ang network.