Manila, Philippines – Sasampahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kasong multiple syndicated estafa ang TV network na ABS-CBN.
Ayon sa Pangulo, ito ay dahil sa kabiguan ng ABS-CBN na i-ere ang kanyang campaign advertisement noong nakaraang taon.
Nauna nang nagbanta ang Pangulo na haharangin ang renewal ng franchise ng ABS-CBN na mag-e-expire sa taong 2020.
Diretsahan ding binanatan ni duterte si ABS-CBN Corporation Chairman Gabby Lopez.
Binanggit ng Pangulo na nagbayad siya sa ABS-CBN ng halos tatlong milyong piso para mai-ere ang kanyang campaign ad, subalit hindi naman ito nangyari at hindi pa ibinalik ang kanyang pera.
Maliban sa ABS-CBN, binanatan rin ng Pangulo ang Philippine Daily Inquirer at sinabing kukunin na ng gobyerno ang kanilang property sa Makati City na nirentahan ng Sunvar Realty Development Corporation sa NAPOCOR.
Inilabas naman ng Pangulo ang kaniyang hinanakit sa mga naging komentaryo ng media sa kaniya.
Kung may press freedom ang media, may freedom of expression rin aniya siya.
DZXL558