ABS-CBN station sa CDO, pinadalhan ng mga bulaklak ng patay

14070
KUHA MULA SA ABS-CBN CAGAYAN DE ORO

Tatlong bulaklak ng patay ang ipinadala sa tanggapan ng ABS-CBN sa Cagayan de Oro City noong Sabado matapos magsagawa doon ng noise barrage, candle lightning, at motorcade ang mga empleyado at tagahanga ng istasyon.


Nabatid ng mga guwardiya na ipinadala ito ng mga kawani ng isang flower shop na ipinapahatid umano nang hindi pa nakikilalang tao, batay sa ulat ng TV Patrol Northern Mindanao. 

Mapapansing nakalagay sa mga korona ng patay ang mensaheng: “Ibalik ang ABS-CBN! Isulong and digmaang bayan!”.

Maliban dito, makikita ang pangalan ng NUJP, NUPL, Akbayan, Kadamay, Iglesia Filipina Independiente, College Editors’ Guild of the Philippines, Bayan, at League of Filipino Students, na dating pinaparatangan na mga makakaliwang grupo.

Mariin naman itinanggi ng NUJP na sila ang nasa likod ng pagpapadala. Tinawag din nila ang naturang insidente na bahagi ng serye ng “red tagging” sa Pilipinas.

Panawagan ng grupo sa pulisya, imbestigahan ang pangyayari na posibleng pananakot at pagbabanta sa mga tagasuporta ng Kapamilya network.

Hulyo 10 nang tuluyang ‘patayin’ ng Mababang Kapulungan ang prangkisa ng ABS-CBN.




Facebook Comments