ABSWELTO | Dating mayor ng Caloocan City, inabweslto ng Sandiganbayan sa kasong graft

Manila, Philippines – Inabswelto si dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri ng Sandiganbayan sa kinakaharap nitong kasong graft.

Nabatid na nabigo ang prosekusyon na patunayan na guilty si Echiverri sa paglabag sa section 3(e) ng anti-graft and corrupt practices act.

Inabswelto rin ng Sandiganbayan sina dating city accountant Ednan Centeno at dating budget officer Jesusa Garcia.


Kinasuhan ng prosekusyon ng Ombudsman sina Echiverri, Centeno at Garcia dahil sa pakikinabang umano sa P.B. Grey Construction sa pagsasaayos sa mga kalsada at drainage system sa phase 6, Green Valley sa Barangay 178 na nagkakahalagang P8 million.

Bagaman inabswelto na sa naturang kaso si Echiverri, nahaharap pa rin siya sa 43 counts ng graft charges sa Sandiganbayan kaugnay ng P1.4 billion loan sa Landbank of the Philippines para sa iba’t-ibang infrastructure project sa Caloocan.

Facebook Comments