ABSWELTO NA | Resorts World Manila – inabswelto ng Kamara sa nangyaring pamamaril at sunog noong nakaraang taon

Manila, Philippines – Inabswelto ng Kamara ang pamunuan ng Resorts World Manila kaugnay ng nangyaring pamamaril at sunog noong June 2, 2017.

Ayon sa House Committee on Public Safety and Order, Committee on Games and Amusement at Committee on Tourism, wala silang nakitang dahilan para kasuhan ang pamunuan ng naturang hotel and casino.

Sa halip, inirekomenda nila na dapat sumailalim sa mas masusing skills training at mga programa hinggil sa crisis management and risk reduction ang mga safety at security personnel nito.


Dapat din anilang paigtingin ang proseso ng pagha-hire sa mga empleyado nito lalo na sa mga sensitibong posisyon tulad ng security.

Pero tutol sa naging desisyon ng tatlong komite ng Kamara si Cong. Tom villarin.

Katwiran niya – malinaw na nagkaroon ng security lapses kaya dapat lang na may managot sa nangyari.

Matatandaang madaling nakalusot sa security ang gunman na si Jessie Carlos kahit na lantaran ang dala nitong baril kung saan 38 ang nasawi.

Facebook Comments