Manila, Philippines – Inabswelto ng Office of the Ombudsman sina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio sa kaso ng P6.4-B shabu shipment controversy sa Bureau of Customs noong taong 2017 dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Sa rekomendasyon ng special fact-finding investigators – Pinakakasuhan paglabag sa R.A. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, Assessment Service (IAS) Director Milo Maestrecampo, Risk Management Office (RMO) Chief Larribert Hilario, at Accounts Management Office (AMO) Chief Mary Grace Tecson-Malabed.
Maliban dito, inirekomenda rin ng panel ang pagsasampa ng kasong Grave Misonduct laban kay Faeldon at mga BOC officials na sina Joel Pinawin at Oliver Valiente habang Gross Neglect of Duty at Grave Misconduct pa ang kina Tecson-Malabed at Maestrecampo.
Pinasasampahan rin ng karagdagang kaso ang dating BOC commissioner at si Customs Director Neil Anthony Estrella Dahil sa paglabag sa Usurpation of Official Functions at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi naman kabilang si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa isinagawang fact-finding investigation.
Ang mga akusado ay sasalang sa preliminary investigation at administrative adjudication sa kinakaharap nilang criminal at administrative cases.