Manila, Philippines – Nananatili pa rin sa Marawi City si Isnilon Hapilon na siyang target ng operasyon ng militar laban Maute Group at Abu Sayaff.
Ayon kay Phil. Army 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera –batay sa nakuha nilang intelligence report, namataan si Hapilon at ang grupo nito sa Marawi.
Sinabi pa ni Herrera – patuloy ang kanilang opensiba sa tatlong barangay sa lungsod dahil pati ang mga kampo ng mga sundalo ay inaatake na rin ng mga bandido.
Aabot pa aniya sa 40 miyembro ng teroristang grupo ang tinutugis kasama si Hapilon.
Dagdag pa ni Herrera – nasa 11 sibilyan na ang nasawi pero hindi pa rin marekober dahil sa patuloy na bakbakan kung saan ang karamihan ay kristyano.
Pahirapan din ang pagtugis sa mga bandido dahil palipat-lipat sila ng lugar.
Nagsagawa na rin sila ng airstrike laban sa mga kalaban.
Hindi bababa sa isanlibo at tatlong daan (1,300) katao ang nananatili ngayon sa pansalamantalang evacuation centers.
* DZXL558*