Abu Sayyaf at mga sundalo, muling nagkasagupa sa Sulu; isang miyembro ng ASG, nasawi

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na makipagsagupa sa mga sundalo sa Brgy. Tumatangis, Indanan, Sulu kahapon.

Ayon kay Major General Corleto Vinluan, Commander ng Joint Task Force Sulu, nagpapatrolya kahapon ang 41st Infantry Battalion ng Philippine Army nang makasagupa ang nasa 20 miyembro ng ASG.

Tumagal ng 9 minuto ang bakbakan bago tuluyang mapaatras ang mga kalaban.


Sa ngayon hindi pa tukoy ng militar ang pagkakakilanlan ng nasawing ASG member na nakuhanan din ng M16 rifle.

Isang sundalo naman ang nasugatan sa engkwentro.

Ayon naman kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, sinasamantala ng mga terror group ang sitwasyon ng bansa na nahaharap ngayon sa COVID-19 pandemic.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng mga militar laban sa mga nakasagupang ASG.

Facebook Comments