Abu Sayyaf Group, isang dahilan para maibalik ang death penalty

Manila, Philippines – Ikinokonsidera ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang Abu Sayyaf Group o ASG bilang dahilan para maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Pahayag ito ni Senator Recto makaraang pugutan ng bandidong grupo ang isang sundalo.

Para kay Recto, tama lang ang instructions ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga miyembro ng ASG, patay man o buhay.


Si Recto ay tutol sa na maibalik ang death penalty sa bansa.

Pero suportado niya ang parusang bitay kung ito ay gagamitin laban sa Abu Sayyaf Group na patuloy sa paghahasik ng karahasan, at napakarami ng dinukot, sinaktan at brutal na pinaslang.
DZXL558

Facebook Comments