MANILA – Kumita ng 353 million pesos o katumbas ng 7.3 million US dollar ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa kaso ng kidnap for ransom sa unang anim na buwan pa lamang ng 2016.Sa nakalap na report ng RMN, ang malaking bahagi ng nakolektang pera ay nagmula sa ransom na ibinayad para sa pagpapalaya ng 14 na Indonesian at apat na Malaysian crewmen na dinukot ng ASG.Nasa P20 milyon din ang nakuha ng bandido kapalit ng kalayaan ng pinay na si Marites Flor, na kasamang dinukot sa Samal Island noong 2015, kung saan ang dalawang Canadian na kasamahan nito ay pinugutan ng bandido habang ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstan ay pinalaya noong Setyembre.Lumalabas din sa report, na nagbago na ng stratehiya ang ASG kung saan target na nito ngayon ang mga tripulante o yung mga foreign-flagged na barko.Ang kinita ng ASG sa kanilang mga kidnap-for-ransom activities ang ginagamit ng mga ito para makabili ng mga armas at bala.
Abu Sayyaf Group, Kumita Ng Higit Sa Tatlong Daang Milyong Piso Sa Mga Kaso Ng Kidnap For Ransom Sa Unang Anim Na Buwan
Facebook Comments