Abu Sayyaf Group, Nagbigay Ng Hanggang Alas-Tres Ngayong Hapon Para Makuha Ang Hinihinging P300 Million Na Ransom Kapali

6

SAMAL ISLAND – Nanindigan ang Abu Sayyaf Group na hindi na nila i-e-extend ang palugit kaugnay ng hinihinging ransom para mapalaya ang nalalabi pang tatlong bihag nila mula sa Samal Island.Una nang itinakda ng bandidong grupo ngayong araw ang deadline para sa P300 million na ransom kapalit ng paglaya ng bawat bihag.Ayon sa Abu Sayyaf, alas-3:00 ng hapon mamaya ay gagawin nila ang pagpatay kung hindi maibibigay ang P300m na ransom kada isang bihag.Una dito, naglabas ng panibagong video ang grupo at sinabing pahihirapan ng husto ang dalawang dayuhang bihag kung mabibigo pang ibigay ang hinihinging ransom.Sinabi ng Abu Sayyaf na dadanas ng matinding hirap ang dalawang dayuhan kung mabibigong tugunan ang itinakda nilang deadline.Matatandaang noong Abril, pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang isa sa mga bihag na si John Ridsdel matapos na hindi mabayaran ang P300m na ransom.Sa panig naman ng mga otoridad, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na patuloy ang kanilang operasyon para mailigtas ang mga bihag.Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restitudo Padilla, tuloy-tuloy ang kanilang pagtugis sa bandidong grupo.September 2015 nang dukutin ng mga bandido sa Samal Island ang tatlong dayuhan at isang Pinay.

Facebook Comments