Abu Sayyaf Group posibleng responsable sa pagsabog sa isang military camp sa Indanan Sulu ayon sa AFP

Suspek ngayon ng militar sa nangyaring pagsabog sa isang military camp sa Brgy. Tanjung Indanan Sulu ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group.

 

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas ang sulu ang isa sa mga pinamumugaran ng ASG sa bansa kaya malaki ang posibilidad na ASG ang may gawa ng pagpapasabog.

 

Nilinaw rin ng opisyal na hindi hinagisan ng granada ang military camp ng 1st Brigade Combat Team sa halip pinasabog ito.


 

Iniimbestigahan nila ngayon kung paano ginawa ang pagpapasabog lalot labas pasok sa kampo ang mga sibilyan.

 

Ang 1st Brigade Combat team ay ang bagong tatag na brigade sa Sulu na inatasan ng pangulong tumutok sa pagtugis sa mga ASG na patuloy ang panggugulo.

 

Kanina isinigawa sa Pier 13 South Harbor Manila ang send off ceremony ng mga sundalo  na itatalaga sa 1st brigade Combat Team sa Indanan Sulu.

 

Sa pagsabog namatay agad ang tatlong sundalo at syam ang sugatan.

 

Nagpapatuloy rin ang operasyon  ng militar para mapanagot ang mga salarin.

Facebook Comments