Marawi City – Malaki ang posibilidad na nakatakas na sa Marawi City ang Abu Sayyaf Group Leader at wanted terrorist na si Isnilon Hapilon.
Ayon kasi kay Lt. Gen. Carlito Galvez, head ng AFP Western Mindanao Command, hindi na nakita si Hapilon sa war zone sa Marawi City kung saan nagaganap ang bakbakan ng tropa ng gobyerno at Maute Group.
Matatandaan na ang operasyon ng militar para arestuhin si Hapilon noong May 23 ang naging mitsa ng bakbakan sa panig ng mga sundalo at ISIS-inspired local terrorists.
Dagdag pa ni Galvez, may natanggap nga silang ulat na nakatakas si Hapilon pero patuloy pa nila itong bineberipika.
Samantala, ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng joint task force Marawi, kinukumpirma pa nila ang ilang impormasyon hinggil sa pagkamatay “umano” ni Omar Maute, isa sa mga lider ng teroristang grupo.