Abu Sayyaf Member na nanghostage – napatay sa ingkuwentro sa Calape, Bohol

Bohol , Philippines – Isa pang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang napatay sa ingkuwentro ng militar at kapulisan sa isla sa panggangan sa bayan ng calape sa lalawigan ng Bohol.

Ayun sa PNP, ang napatay ay Abu Asis, matapos itong makapanghostage ng isang maglolo na nangunguha ng kabibe sa baybayin.

Habang tinutugis ng mga otoridad si Asis ay nakatakas ang kaniyang mga hostage at ito naman ay nabaril ng mga otoridad .


Ang natitira pang miyembro ng Abu Sayyaf na si Abu Ubayda ay nakatakas sa ingkuwentro at patuloy na tinutugis ng mga otoridad.
DZXL558

Facebook Comments