Abugado ni Dexter Carlos, dismayado matapos mapasama siya sa person of interest ng Bulacan Masaker

Bulacan – Hindi ikinatuwa ng kampo ni Dexter Carlos ang tila pagbaligtad ng sitwasyon kung saan isya na mismo ang nais iimbistigahan sa Bulacan Masaker kung saan 5 sa kanyang kaanak ang napatay, kabilang ang isang sanggol.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, na tumatayong abugado ni Dexter Carlos, imbis na pagdudahan ay dapat kaawaan pa nila ang padre de pamilya na nawalan ng asawa at anak.

Mas lalong nadismaya si Acosta nang malaman na ire-recant o ipapawalang bisa ang affidavit ni Carmilino Ibañes na una ng umamin sa krimen.
Sa ngayon, hindi na muna pinapayagan si Dexter Carlos na humarap sa media habang sinabi ni Acosta na walang bearing o silbi ang lie detector test na balak gawin kay Dexter Carlos.


Facebook Comments