Abusadong Australian national na nang-maltrato ng live-in partner na Pinay, pababalikin na sa kanilang bansa

Nakaditine na sa custodial facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Taguig City habang ipinoproseso ang kanyang deportation papers, ang isang abusadong Australian national na nangmaltrato ng kanyang live-in partner na Pinay maging ang anak nito.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Peter David Maxwell, 66-years old at naaresto sa Morong, Bataan ng mga operatiba ng intelligence division and fugitive search unit (FSU) ng BI.

Sa ngayon, patuloy na sumasalang sa deportation proceedings ng BI board of commissioners si Maxwell sa reklamong undesirability na isinampa sa suspek.


Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong isinampa ng estranged wife ni Maxwell dahil umano sa pananakit sa kanya at ng kanyang anak.

Batay pa sa reklamo, naging subject na rin ng maraming reklamo si Maxwell ng kanyang mga kapitbahay sa Morong dahil sa pagiging basagulero at pagbabanta ng pananakit ng ibang tao sa tuwing ito ay lasing.

Facebook Comments