ABUSE OF AUTHORITY | Ombudsman, sinuspinde ang Vice Mayor ng Escalante City

Manila, Philippiens – Isang taong pinasususpinde ng Ombudsman si Escalante City, Negros Occidental Vice Mayor Santiago Maravillas.

Si Maravillas ay guilty sa dalawang bilang ng abuse of authority dahil sa umano’y iregular na pagsibak sa ilang empleyado ng munisipyo noong 2016.

Ayon sa Ombudsman, pinadalhan ni Maravillas ng termination letter si Heavy Equipment Operator II Florencio Lauro, habang inalis sa payroll simula January 1 si administrative aide francisca pabuaya nang walang malinaw na dahilan.


Paglabag ito sa section 36 ng civil service decree of the philippines at sa administrative code of 1987.

Inatasan na ng Ombudsman ang DILG na ipatupad ang suspension order.

Facebook Comments