AC Bonifacio, mas determinadong pasukin ang Hollywood matapos ang special appearance sa isang US TV series

Umere na sa Amerika ang special appearance ng Pinay actress na si AC Bonifacio sa episode 7 ng Season 5 ng hit TV series na “Riverdale.”

Ginampanan ni AC ang role na star vixen na humataw sa isang dance show down sa main character na si Cheryl Blossom na ginampanan ng American actress na si Madelaine Petsch.

Nabatid na pinahanga ni AC ang mga direktor kaya napili siya sa nasabing role.


Dahil sa nasabing break, mas determinado ngayon si AC na ituloy ang pagsungkit ng kanyang pangarap sa Hollywood.

Facebook Comments