Academic break, mainam na pagpasyahan ng mga LGUs

Ipinauubaya na ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapasya sa mga panukalang magkaroon ng academic break ang mga mag-aaral dahil sa nagdaang kalamidad.

Sinabi ni Go na wala namang face-to-face learning kaya mas mabuting ang mga LGUs na ang magpasya dahil nakikita nila ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan tulad ng Marikina City at iba pang binahang lugar.

Ayon kay Go, hindi naman dapat ipatupad ang academic break sa mga lugar na hindi sinalanta ng bagyo dahil sayang ang panahon ng mga estudyante.


Samantala, tiniyak ni Go na mananatili siyang tulay ng mga guro partikular ng mga nasa private schools na nawalan ng trabaho dahil sa bumagsak na enrollees sa mga pribadong paaralan.

Tiniyak ni Go na makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang 60,000 na mga private schools teachers.

Facebook Comments