ACADEMIC CALENDAR | Panukalang simulan sa Agosto ang academic year ng lahat ng eskwelahan sa bansa, isinusulong sa kamara

Manila, Philippines – Isinusulong sa kamara ang panukalang gawing Agosto ang pagsisimula ng academic calendar ng lahat ng pribado at pampublikong eskwelahan sa bansa.

Ayon kay Pampanga Representatice Aurelio Gonzales Jr., sa ilalim ng House Bill 7350 o Academic Calendar Shift Act of 2018, pagsasabayin na pagsisimula ng klase ng public at private schools maging ng mga academic institutions.

Layunin nitong mai-angat ang academic competitiveness ng mga Pilipinong estudyante tulad ng mga kalapit nating bansa.


Maitataas din nito ang academic standing at reputasyon ng mga educational institutions.

Dagdag pa ng mambabatas, mabibigyan din nito ng pagkakataon ang mga estudyante at mga guro na makapag-aral o makapag-turo abroad.

Isa rin sa pinakapangunahing dahilan ng panukala ay ang maiwasan ang madalas na kanselasyon ng klase dulot ng masamang panahon.

Facebook Comments