Academic ease, ipaiiral sa mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa special concern lockdown

76

Ipaiiral sa mga lugar na nasa ilalim ng special concern lockdown sa Quezon City ang academic ease alinsunod sa Department of Education (DepEd) memorandum.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ito ay habang mino-monitor ng QC Health Department ang pagkontrol ng impeksyon sa mga lugar na naka-lockdown.

Nakapaloob sa memo noong October 30, 2020 na nasa pagpapasiya ng mga eskwelahan ang pagdetermina ng aktibidad na nasa ilalim ng Self-Learning Modules.


Ito ay optional upang makapili ng isang aktibidad na akma sa sitwasyon na pagtutukan ng mga estudyante.

Facebook Comments