Academic freedom, dapat irespeto ng bawat unibersidad – CHED

Iginiit ng Commission on Higher Education (CHED) na dapat irespeto ng bawat institusyon ang desisyon ng bawat unibersidad at kolehiyo pagdating sa academic freedom.

Ito ay kaugnay sa pagtatanggal ng mga libro na nagmula umano sa mga communist terrorist group sa ilang library ng state universities.

Ayon kay CHED Chairman J. Prospero de Vera III, desisyon ng bawat institusyon na alisin ang mga libro na idinonate ng communist terrorist groups na idineklara ng gobyerno.


Kabilang sa sinasabing mga unibersidad dito ang Kalinga State University, Isabela State University, at Aklan State University kung saan ibinigay na nila sa regional National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga nasabing libro.

Una nang iginiit ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) na kinokondena nila ang ganitong pagtatangka ng militar at ng NTF-ELCAC na panghimasukan ang academic freedom.

Facebook Comments